‘Killer’ ni Percy Lapid sumuko; 3 kasama itinuga

SUMUKO Martes ng umaga ang umano’y gunman sa pagpatay sa broadcast commentator na si Percy Lapid, Percival Mabasa sa tunay na buhay.

Sa isang press conference sa Camp Crame, iniharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na nakilalang si Joel Estorial, residente ng Quezon City.

Ayon kay Estorial sumuko siya dahil sa takot para sa kanyang buhay.

Umamin din ang suspek na maliban sa kanya ay meron pa siyang tatlong kasama sa pananambang sa mamamahayag. Ito ay sina alyas Orly at ang magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan.

Binaril at napatay si Lapid, kilala sa kanyang programang Lapid Fire sa DWBL, noong Oktubre 5 sa Las Piñas City.