Harris, Marcos magkikita ngayong araw

DUMATING na sa Pilipinas si United States Vice President Kamala Harris para sa kanyang pagbisita sa bansa.

Kasama ni Harris ang kanyang mister na si Douglas Emhoff.

Sinalubong ang mag-asawang Harris nina Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at ibang mga opisyal.

Nakatakdang makipagpulong sina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte kau Harris.

Bibisita rin si Harris sa Palawan.

Nauna nang sinabi ni Marcos na wala siyang nakikitang masama sa pagbisita nu Harris sa Palawan sa harap ng mga obserbasyon na ito ay malapit lamang sa West Philippine Sea.