Digong welcome sa aking Gabinete – BBM

KUNG gugustuhin ni outgoing President Duterte ay tatanggapin siya sa Gabinete ng bagong adminstrasyon, ani President-elect Bongbong Marcos.

Nang tanungin ng mga mamamahayag kung kukunin ba niyang kalihim si Duterte, sagot ni Marcos: “If he wants to.”

Klinaro naman ni Marcos na wala pang pormal na paanyaya kay Duterte pero sinabi niyang bukas siya na ilagay sa puwesto ang outgoing president.

“We have not talked about it but I’m open to anyone who’s able to help in the government. Matagal na kaming magkabigan ni PRRD, noong mayor pa siya. I’m sure if he wants to play a part, sasabihin naman nya sa akin. I am certainly open to all of that,” aniya.