Digong sa bagong pulis: Magpakabait kayo

“Magpakabait kayo.”

– President Rodrigo Duterte

Ito ang mensahe ni Pangulong Duterte sa mga bagong nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) Alab-Kalis Class of 2022 sa Silang, Cavite

“Magpakabait kayong lahat. Kasi ang magkakaroon ng problema ako. Mabuti’t na lang paalis na ako. But as any…it is good as any other time to remind you,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Umabot sa 229 kadete ng Alab-Kalis (Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilangang Bayan) Class of 2022 ang nagtapos sa pangunguna ni class valedictorian Cadet Ernie Alarba Padernilla na galing Passi City, Iloilo.

Tinatayang 206 ang sasama sa PNP, 12 sa BJMP at 11 kadete sa BFP.