Digong nakapag-empake na; planong magturo sa Davao

NAKAPAG-EMPAKE na si Pangulong Duterte at halos lahat ng mga personal na gamit nito ay nailipat na sa kanyang bahay sa Davao City dalawa o tatlong buwan na ang nakararaan.

Ito ay ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, kasabay ang pagsasabi na posibleng magturo na lang din sa Davao City sa kanyang pagreretiro.

“He is almost done (packing up). Two or three months ago, he has already sent his personal things to Davao,” ayon kay Medialdea.

Isang buwan na lamang mananatili si Duterte sa Malacanang. Bababa siya sa puwesto sa Hunyo 30, kasabay ng panunumpa ng bagong papasok na pangulo na si Bongbong Marcos.

“He said he was going to teach in Davao,” dagdag ni Medialdea.

Kahapon, Mayo 30, isinagawa ng Malacanang ang sinasabing kahuli-hulihang full Cabinet meeting.