Naghagis ng cream kay Mona Lisa inaresto

INARESTO at inilagay sa psychiatric care ang 36-anyos na environmentalist na naghagis ng cream sa painting ni Mona Lisa sa Louvre nitong Lunes.

Tumanggi nang magkomento ang mga opisyal ng Louvre Museum sa Paris.

Nag-trending ang insidente sa social media matapos na makuhaan ang pambabato.

Hindi naman napinsala ang obra ni Leonardo da Vinci dahil sa bulletproof na salaming lalagyan nito.