Cynthia Villar umayaw sa SP race; Zubiri sigurado na

“Wala ng SP (Senate President) race.”

Ito ang idineklara ni Senador Senator Cynthia Villar nitong Miyerkules kasabay ang pagbibigay niya ng suporta kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na naghahangad na maging lider ng Senado.

Hindi na umano siya interesado sa posisyon ang naging tugon ni Villar sa panayam sa Senado, at nasabi na rin niya ito kay Zubiri.

“Ayoko na, I want a simple life,” tugon pa nito.