990 sa 4,442 examinees nakapasa sa CPA Licensure examination

NANGUNA ang isang graduate ng University of Sto. Tomas (UST) sa May 2022 Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha si Jhoone Cyrelle Dela Cruz Nacario ng iskor na 88.83.

Nag-tie naman sa pangalawang puwesto sina Darleen May Baria Alcantara ng San Beda College at Yanna Jilliane Beriarmente Cruz, ng Polytechnic University of the Philippines, na kapwa nakakuha ng iskor na 88.17.

Umabot sa 990 mula sa kabuuang 4,442 examinees ang nakapasa mula sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga na isinagawa noong Mayo.

Para sa kumpletong resulta:

https://drive.google.com/file/d/1ltOAnKcBzfSRz7SD0fh-DU3w43KRdfVH/view