Budget ng OVP lusot agad sa komite

APRUBADO agad ang P2.29 bilyong panukalang budget ng Office of the Vice President ni Sara Duterte.

Personal na dumalo si Duterte sa isinagawang budget hearing.

Nauna nang kinuwestiyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang 227 porsiyentong itinaas ng panukalang pondo ng OVP, kabilang ang P500 milyong ‘confidential fund.’

Aabot lamang sa P702.04 milyon ang budget ng OVP para sa 2022.