INILABAS ng administration party na PDP-Laban ang inisyal na listahan ng mga pambato nito sa pagkasenador sa daratin na 2022 elections.
Walo sa mga ito ay kasalukuyang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte, kabilang ang nagpaplanong magbalik-Senado na si dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gringo Honasan.
Kasama sa inisyal na listahan sina
Transportation Secretary Arthur Tugade
Labor Secretary Silvestre Bello III
Cabinet Secretary Karlo Nograles
Presidential chief legal counsel Salvador Panelo
Public works and highways Secretary Mark Villar
PACC Commissioner Greco Belgica
Agrarian Reform Secretary John Castriones
Ikinukunsidera rin ng partido na isama sa bilang sina Quirino Governor Dax Cua at Leyte Rep. Lucy Torres Gomez.
Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag, may 20 katao silang pinagpipilian para maisama sa listahan ng administrasyon.
Ilalabas aniya ng grupo ang pinal na listahan sa Setyembre 8 kung kailan gagawin ang kanilang national assembly meeting.