SONA 2025 at iba pa

SONA 2025 Marcos Jr: Mahiya naman kayo sa mga kapwa Pilipino na naanod ang kabahayan o nalubog sa pagbaha?

*  SInong kayo ser, yung dalawang sa likod nyo, kayo mismo, o kayong majority mismo? 

***  

Duterte’s lawyer Nicholas Kaufman: Duterte can possibly return to the Philippines on interim release. 

*   Oras na bang kumubra ulit? Alam nya kasing uto-uto ang DDS kahit hindi pwede interim release sa non-state member ng ICC

***    

Filipinos burn flag in front of Chinese Embassy   

*    SOS sa People’s Liberation Army, China Coast Guard at Chinese militia riyan o!     

***

Gadon, the disbarred, binanatan ang SC sa decision na impeachment  

*   Ito talaga ang sala sa init, sala sa lamig; lulubog lilitaw, pitik bulag parang ogag lang.

*** 

Inday Sara bumati sa anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo: 

“Isang taos pusong pagbati sa ika labing isandaan taong anibersaryo!”  

*  Ika-labing isandaang taon o ika-isandaan at labing isang taon?    

Maghunos-dili ka nga Mana Inday, kaaringasa ba;  akala ko si Marcos Jr lang ang bangag:)  

***

Supreme Court: Unconstitutional ang impeachment ng Congress kay VP Sara Duterte 

*  Bato-bato pik! Sino ang unconstitutional – Congress o Supreme Court?  

***

Paolo Duterte, nag-walk out sa SONA ni Marcos Jr:  “I refuse to take part in a political circus that has long forgotten who it is supposed to serve.”         

*  Ba’t nandyan ka pa sa Kamara? Layaaassss!”  

***

Marcos Jr Nangako na papanagutin ang palpak na water districts at joint venture partners.  

*   Hello Prime Water! Mag-ipon na ng tubig dahil matutuyuan siya ng tubig sa nerbyos!  

***

Marcos Jr  SONA 2025:  

“Wag na po tayong magkunwari, alam naman ng buong madla na nagkakaraket sa mga proyekto, mga kickback, mga initiative, errata(?), SOP, pordaboys. Kaya sa mga nakikipag-sabwatan para kunin ang pondo ng bayan, at nakawin ang kinabukasan ng ating mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapuwa Pilipino!”  

*  Puksaan na ‘to! Kaway-kaway sa mga raketero riyan, kickbackers, SOPer, pordaboyers, baybay sa project, hello rehas na bakal!”    

***

Fr. Rommel Lopez: Sen. Risa Hontiveros was in the minority during the 19th and 20th Congress and look what she accomplished.

I can’t see the reason why Bam Aquino and Kiko Pangilinan had to be in the majority “to accomplish more” 

*  #Kooleeet: 

Mas gugustuhin mo bang makuha ni Camille Villar ang agri chairmanship basta nasa minority si Kiko? 

*  Tactical Tutubi @BoyCorex:

Yaan mo na, look who are those minority members with SenRisa. They are all Tokhang Enablers.

*  Me: Unga naman – mae-expose pa si Camille sa maraming lupain na pwedeng i-land grab at tayuan ng subdivisions. Except for those we know, tokhang enablers ang minority at majority at parehong kickbackers

That makes the world go round – hanggang mahilo ka