Pinay actress Dolly De Leon nominado sa Golden Globe

SA kauna-unahang pagkakataon ay na-nominate ang isang Pilipino sa acting category ng prestigious Golden Globe Awards.

Nominado si Dolly de Leon bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Triangle of Sadness.”

Makakalaban niya sa nasabing kategorya ang mga kilalang Holywood actress na sina Angela Bassett (“Black Panther: Wakanda Forever”), Kerry Condon (“The Banshees of Inisherin”), Jamie Lee Curtis (“Everything Everywhere All at Once”), at Carey Mulligan (“She Said”).

Kamakailan lang ay nagwagi si Dolly bilang Best Supporting Actress para sa nasabing pelikula sa Los Angeles Films Critics Association Awards.