Mandatory evacuation sa mga Pinoy sa Ukraine iniutos

IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation ng lahat ng mga Pinoy na naninirahan sa Ukraine sa harap ng puspusang pananakop ng Russia sa nasabing bansa.

Sa advisory na inilabas ng DFA ngayong Lunes, Marso 7, ipinatupad ng DFA ang Alert Level 4 sa Ukraine mula sa Alert Level 2.

“Filipinos in Ukraine will be assisted by the Philippine Embassy in Poland and the Rapid Response Team, which are currently assisting Filipino nationals for repatriation and relocation,” sabi ng DFA.

Nauna nang iniulat ng DFA ang pagdating ng 20 pang evacuees na dumating matapos lumikas sa Ukraine.