74-anyos na Pinay sinuntok sa New York

ISANG 74-anyos na Filipina ang bigla na lamang sinuntok sa mukha habang naglalakad sa Midtown Manhattan, New York nitong nakaraang Miyerkules.

Kuhang-kuha sa CCTV footage ang pag-atake sa babaeng Pinay ng isang babaeng black American sa 485 Madison Avenue pasado alas-11 ng umaga.

Inaalam pa ng pulisya ang suspek sa panibagong unprovoked assault sa isang Filipino.

Dahil dito, muling nagpaalala si Consul General Elmer Cato sa mga Filipino na nakatira sa New York at sa mga bibisita rito na maging mapagmatyag at alerto sa posibleng insidente ng pag-atake.