13-anyos arestado sa pagkamatay ng 68-anyos Pinoy sa Amerika

INARESTO ang isang 13-anyos na Hispanic na lalaki bunsod ng pagkamatay ng 68-anyos na Pinoy sa Highland Park sa Los Angeles.

Sa report ng ABS-CBN, sinabi nito na inanunsyo ng Los Angeles Police Department na inaresto nila ang menor de edad bilang suspke sa paghataw ng scooter sa Pinoy na si Steven Reyes gamit ang scooter, na siyang ikinasawi nito.

Ayon pa sa LAPD, apat na teenagers ang sumubok na nakawan ang tindahan na pinagtatrabahuhan ng biktima. Sinubukan ni Reyes at ng isa niyang kasamahan na pigilan ang mga ito ngunit nanlaban ang mga suspek. Napuruhan sa ulo si Reyes ng hatawin siya ng scooter.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Reyes.

Tatlo pang mga menor ang pinaghahanap ng pulisya, at sinasabing mga pawang Hispanic ang mga ito.