Netizens nabastusan sa FB translation ng ‘half mast’

NAG-VIRAL ang translation ng Facebook sa post ng Mandaue Public Information Office ukol sa pagkamatay ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.


Nitong Biyernes ay nag-FB Live ang Mandaue PIO at ipinakitang naka-half mast ang bandila ng city hall bilang pagluluksa sa pagkamatay ni Aquino.


Nilagyan ng Mandaue PIO ang post ng caption na, “Mandaue City nag half-mast, agi ug pagbangutan sa kamatayon ni kanhi presidente Noynoy Aquino.”


Marami naman ang nabastusan at nagalit nang mabasa ang ginawang translation dito ng Facebook na: “Mandaue City is half-masturbating for the death of former President Noynoy Aquino.”


Isa sa mga unang nakabasa nito ay si City Administrator Jamaal James Calipayan na agad nag-post ng kanyang pagkadismaya sa pangyayari.


Pinalitan na lamang ng PIO ang caption at tinanggal ang salitang half-mast para maalis ang kalituhan.