RC Cola commercial wagi ng int’l award


NAGWAGI ng Bronze Lion Award sa 2021 Cannes Lions International Festival of Creativity ang RC Cola commercial na nag-viral sa buong mundo noong nakaraang taon.


“Snatched a bronze in ‘Film,’ one of the toughest categories of the Festival. Big thanks to our RC Cola clients who believed in the idea, and our production partners Arcade Film Factory, Riot, Barebones, and Hit Productions,” ayon sa kumpanyang Gigil na gumawa ng commercial.


Mapapanood sa commercial na may titulong “Nyahahakbkxjbcjhishdishlsab@!!!! Basta RC Cola” ang isang binata na tinatanong ang kanyang ina kung ampon ba siya.


Pinayuhan naman siya ng ina na huwag makinig sa mga nambu-bully sa kanya.


Nang maghubad ang binata ay makikitang mayroon itong apat na baso sa likod.


Naiyak ang ina kaya para malaman ng anak ang katotohanan ay inalis niya ang kanyang ulo at tumambad ang bote ng RC Cola.


Matatandaang umabot pa ang nasabing product ad sa show ni Ellen DeGeneres.
“I was wondering how they were gonna drink it and that’s how,” komento niya habang pinanoood ang video.


“Well if you haven’t started drinking already, then now is the time,” ani DeGeneres nang matapos panoorin ang commercial.


Ayon sa Wikipedia ang Cannes Lion ay isang
“global event for those working in creative communications, advertising, and related fields. It is considered the largest gathering of the advertising and creative communications industry.”–A. Mae Rodriguez