Digong walang close contact kay Baste

INIHAYAG ng Malacañang na hindi na-expose si Pangulong Duterte sa kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte, na nagpositibo sa Covid-19.


“Wala po akong alam na close contact si Presidente, “ ani presidential spokesperson Harry Roque.


“Of course, the President is concerned as a father, bagamat one thing going for Vice Mayor is siya po ay bata at malusog.

Talaga naman pong immune system ang lumalaban dito sa Covid-19,” dagdag ni Roque.


Miyerkules ng gabi nang ianunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na positibo sa nakahahawang sakit ang kapatid.


Isiniwalat ng alkalde ang lagay ng kapatid sa Facebook kung saan ipinost niya ang screenshot ng video call nilang pamilya. –WC