Wil Dasovich hinimatay nang mag-bungee jump

NAWALAN ng malay ang vlogger na si Wil Dasovich nang mag-bungee jump sa Ticino, Switzerland kamakailan.

Ayon kay Wil, inamin niya na bago tumalon sa Verzasca Dam ay takot na takot siya.

“I didn’t know it was possible to be so scared that your brain literally crashes like a hard drive, stops working (aka sensory overload),” aniya.

Sa video na ibinahagi ni Wil sa Instagram, makikita na ilang segundo makaraang tumalon ay nawalan siya ng ulirat.

Nagising lang siya nang nagsu-swing na siya sa ibabaw ng dam.

“Of all the crazy things I’ve done, I never felt this amount of fear compressed into one split moment. I want to do this again and be present for the next experience,” paliwanag niya.