Blinks kinabahan sa bukol sa leeg ni Jisoo

MATINDI ang naging pag-aalala ng mga fans ng BlackPink member na si Jisoo matapos mag-trending ang mga photos ng singer habang kitang-kita ang bukol nito sa leeg.

Kumalat sa Twitter ang mga larawan ni Jisoo habang nagpeperform para sa world tour kasama ang grupo.

Payo ng mga nagmamalasakit sa kanya, dapat ay magpa-checkup na ito dahil sa malaking bukol na nakikita rito.

Samantala nagpahayag naman ang management nito na YG Entertainment hinggil sa lagay ng singer.

“Jisoo is currently performing well on her world tour schedule and has no health problems,” ayon sa pahayag nito.

BlackPink is currently in North America for their ongoing “Born Pink” world tour.