Surf’s up: Guro nagtuturo online sa tabing-dagat

ALIW ang mga netizen sa isang teacher na uma-attend sa kanyang virtual meetings at online classes habang nasa beach sa isang resort sa Bolinao, Pangasinan.


Ayon kay Sir, bet niya ang relaxing na ambience habang nagtuturo.


“Naisipan ko na mag-set-up sa shoreline dahil po malakas ang signal at para din siyempre relaxing kahit na nasa work,” chika niya.


Impressed siyempre ang kanyang mga students dahil hindi na niya kailangang gumamit pa ng virtual background.


“Noong nakita po ng mga ka-Zoom at estudyante, sobrang na-amaze po talaga sila, dahil di na po kailangan ng virtual background,” dagdag niya.

Photo courtesy of Patricia Mae Lamsen, Fern Abalona, Allen Cambil