Netizens napa-wow sa camouflage look ng makeup artist

TRENDING sa social media ang 22-year-old na makeup artist na lumikha ng camouflage face paint na nag-blend sa town plaza ng Binalonan, Pangasinan.


Ayon kay Goldie Yabes, nais niyang ibida ang kanyang probinsya kaya naman naisipan niyang ipinta ito sa kanyang mukha.


“Binalonan po kasi ‘yung hometown ko so gusto ko din naman po na mag-camouflage art para ma-showcase ‘yung tourist attraction dito sa Binalonan, which is ‘yung Koi Pond,” aniya.


Inabot ng halos limang oras bago niya na-achieve makeup illusion.


“Mga five hours ko po siyang ginawa. Face paints po and make up ‘yung gamit ko,” kwento ni Goldie.