Timbog sa Laguna: Aktor ng ABS-CBN nawalan ng career, nagtulak ng droga

SHOOT sa selda ang aktor na si Mark Joven Olvido makaraang maaresto dahil sa pagbebenta umano ng droga sa Sta. Cruz, Laguna kahapon.


Nasakote si Olvido sa buy-bust operation sa Brgy. Duhat alas-2 ng hapon.


Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P2,000 marked money.


Arestado rin sa operasyon, na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Sta. Cruz police station, ang siyam niyang kasamahan.


Unang nakilala si Olvido sa Pilipinas Got Talent, kung saan itinanghal siyang third runner-up.


Matapos iyon ay napanood siya sa mga TV shows at pelikula gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano, 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon, at Unli Life.