Lotto ticket naisama sa labahan; P1.24B panalo naglaho

NAGLAHONG parang bula ang $26 milyon (P1.24 bilyon) na panalo sa superlotto sa California, USA makaraang maisama sa labahan at masira ang winning ticket.


Ayon sa ginang, binili niya ang SuperLotto Plus ticket sa Norwalk noong Nobyembre 14, 2020, pero hindi niya nakolekta ang panalo dahil sa pangyayari.


Sa pagtatangkang makolekta ang jackpot prize bago ito mag-expire, nagtungo siya sa pinagbilhan niya ng ticket at sinabing siya ang nagwagi.


Ikinuwento niya na makaraang bilhin ang ticket ay inilagay niya ito bulsa ng kanyang pantalon.


Kinalaunan ng araw na iyon ay naisama niya sa paglalaba ang pantalon nang hindi natatanggal ang ticket.


Naipadala na sa California Lottery ang surveillance footage ng araw na binili ng babae ang ticket, pero hindi umano sapat iyon.


“Winners who lost their ticket can only provide substantial evidence such as a photo or photocopy of the front and back of the ticket,” ayon sa opisyal ng lottery.