Rabiya Mateo ‘pinatahan’ ng PH beauty queens: Laban lang, bring home the crown!

TODO-SUPORTA ang ilang dating Filipina beauty queens, kabilang si Pia Wurtzbach, kay Miss Universe Philipines Rabiya Mateo na naiyak makaraan ang national costume segment ng nasabing timpalak.


Sa Instagram, sinabi ni Wurtzbach kay Mateo na suportado ito ng buong Pilipinas.


“Rabiya, malayo man kami pero sana nararamdaman mo support at pagmamahal naming lahat, ng buong Pilipinas. Next time tears of joy na tayong lahat,” ani Wurtzbach na nagwagi sa nasabing kompetisyon noong 2015.


Ayon naman kay Miss Universe 2018 Catriona Gray: “@rabiyamateo does not need to apologize! She worked that stage and PERFORMED. National costume is a segment to celebrate culture and a country’s identity, but isn’t a part of the scoring towards the crown. Kaya laban lang, Queen!”


Naniniwala rin si Miss International 2016 Kylie Verzosa na kahanga-hanga ang performance ni Mateo.


“You did so well, and we are so proud of you baby girl!! Bring home the crown!” ani Verzosa.


Bago ito ay naging emosyunal si Mateo at humingi ng paumanhin sa ilang mga fans na hindi nagustuhan ang kanyang performance.


“I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,” aniya.


“Kahit wala nang oras, I didn’t have time to retouch my hair, to retouch my makeup. I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute the costume really well,” dagdag niya.