Bakeshop na gumaya sa ‘rice cake’ ni Duterte dinagsa ng order

HINDI magkandauga-ugaga ang may-ari ng bakeshop na gumaya sa “rice cake” na handa ni Pangulong Duterte noong kaarawan nito dahil sa dami ng gustong bumili.


Ipinost ni Nice Carlene Junsay ng Nicelybaked ang kanyang cake creation sa Facebook kahapon at agad itong nag-trending.


Nagulat umano si Junsay nang ulanin ng orders ang kanyang store.


“What started as a kalokohan is now viral wait lang talaga kalma niyo tumawag na ako back up,” aniya sa isang FB post.


Sa isa pang post ay sinabi niya na hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.


‘Hi, it’s Nice from Nicelybaked. I am still in a state of shock with my post going viral and I appreciate that you noticed my ‘RICE CAKE’. My inbox is full at the moment, I had to call back up to answer all of your inquiries. We had to extend our working hours to answer messages but there are still alot to attend to. We will be calling the day and proceed in answering your inquiries again tomorrow. Thank you and have a nice day!” sabi niya.