UniTeam nabawasan ng isang senatorial bet: Marcoleta umatras

MATAPOS ang patuloy na mababang rating sa mga survey, nagpasya si House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na umatras na lamang sa senatorial race.

Si Marcoleta ang kauna-unahang pinangalanan ng tambalang Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pambato nila sa senatorial race.

Kinumpirma naman ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-atras ni Marcoleta sa halalan. Tinanggap ang withdrawal ng seven-member ng Comelec en banc.

Dahil dito, lahat ng makukuhang boto ni Marcoleta ay hindi na bibilingain, Comelec Commissioner George Garcia.

“The fighter in me should also be brave enough to read the writings on the wall,” Marcoleta, kilala sa isa sa mga sinasabing “killer” ng ABS-CBN franchise renewal bill.