Sara nanindigan sa motorcade ban sa Davao City

HINDI nagpatinag si vice presidential candidate at Davao City mayor Sara Duterte sa mga panawagan, kabilang na ang kalaban na si Senador Panfilo Lacson, na payagan na ang motorcade sa lungsod.

Sa kanayng executive order, tinukoy ni Duterte ang mataas na presyo ng langis at traffic na maidudulot ng motorcade kaya niya ipinagbawal ito sa lungsod.

“Because I am the mayor of Davao City. I am tasked to protect the interests of the Davaoeños,” ani Duterte nitong Huwebes sa Quezon City.