Robin Padilla biggest gainer sa latest Pulse Asia survey

MULA sa dating 11th hanggang 13th spot, lumundag sa ika-lima hanggang ika-siyam na pwesto ang senatorial candidate at aktor na si Robin Padilla sa huling survey ng Pulse Asia.

Umani ng 47 percent si Padilla sa survey ng Pulse Asia na ginawa noong Pebrero 18 hanggang 23.

Si Padilla ang may pinakamalaking puntos na nakuha matapos magtala ng 11.4 percent improvement sa kanyang survey numbers.

Samantala, nanguna pa rin si Raffy Tulfo sa huling survey matapos magtala ng 66.9 percent votes mula sa 2,400 respondents na tinanong.

Nasa ikalawa hanggang ika-apat na spot naman sina Antique Rep. Loren Legarda (58.9%), dating Public Works and Highways Sec. Mark Villar (56.2%), at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (55%).

Sumunod naman sa kanila si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri (50.5%) at Sorsogon Gov. Chiz Escudero (49.8%) na nasa ika-5 hanggang ika-7 pwesto.

Kasama rin sa itinuturing na magic 12-14 sina:

Ex-Vice President Jejomar Binay
Sen. Win Gatchalian
Sen. Joel Villanueva
Ex-Sen. Jinggoy Estrada
Ex-Quezon City Mayor Herbert Bautista

Nasa ika-13 at 14 naman sina Senador Risa Hontiveros at dating Senador JV Ejercito.