Opinion: Bakit dapat umatras si Kiko at suportahan na lang si Sotto

PUMAPANGALAWA sa mga survey sa pagkabise-presidente si Senate President Vicente Sotto III habang nasa ikatlo naman si Senador Kiko Pangilinan.

Malayo ang agwat ni Sotto sa frontrunner na si Davao City Mayor Sara Duterte sa survey ng Pulse Asia at Social Weather Station nitong Enero.

Sa survey ng Pulse Asia nitong January 19-24, nakakuha si Duterte ng 50 percent habang si Sotto naman ay 29 percent. Si Pangilinan na nasa ikatlo ay nakakuha ng 11 percent.

Bago pa magsimula ang election period, may mga usap-usapan na bakit hindi na lang magsanib-pwersa sina Sotto at Pangilinan upang higit na mapalakas ang tsansa na manalo laban sa nangungunang pambato.

Kaya inusisa natin ang Publiko kung anong opinyon nila sa suhestyong ito:

“Why would he if he have “better” platforms na makikinabang ang mga Pilipino?,” ayon kay Facebook user Abijane Ilagan Daruca.

“Malabo mangyari yan, dahil pareho silang may kanya kanyang personal na ambisyon,” ayon kay Drahcir Odallora.

“D HAMAK NAMAN NA MAS MATAAS SA SURVEY SI SEN. KIKO PANGILINAN KESA KAY TITO SOTTO. KUNG MAYROON MAN DAPAT NA UMATRAS YON AY WALANG IBA KUNDI YONG KULELAT SA SURVEY O SA PULSO NG BAYAN, YON AY SI TITO SOTTO.” ayon naman kay Mi Zang.

“Kahit pa cguro magsanib kayong lahat. TALO PARIN,” ayon kay Alexander Morcillos.

Oo kc malabo pa sa sabaw ng pusit manalo c kiko eh. Dapat sa kanya mag artista nalang. Sarah all😁♥️,” sabi naman ni Jelo Core Fernandez.

Isa rin nakikitang dahilan bakit umano dapat magbigay si Pangilinan kay Sotto ay dahil rin kay Sharon Cuneta.

Ang aktres ay misis ni Pangilinan at pamangkin naman ni Sotto.