Miting de avance ni Pacquiao sa Cebu City ngayong araw

DADAYO muli sa Cebu City ngayong Biyernes si presidential candidate Senador Manny Pacquiao para doon isagawa ang kanyang miting de avance.

Ayon kay Pacquiao nais niyang simulan ang kanyang miting de avance sa Cebu kung saan nagmula ang kanyang pamilya.

Sa Sabado sa kanyang hometown sa General Santos City isasagawa ni Pacquiao ang kanyang huling miting de avance.

“Doon tayo nagsimula, doon din magtatapos. Ang Manny Pacquiao talagang dito kami nanggaling sa Cebu. Taga-Cebu talaga ang mga Pacquiao. Sinasabi ko na nga, dito sa Cebu, isang barangay puro mga Pacquiao eh,” ayon sa senador.

“Napakaraming Pacquiao, tahimik lang ang mga Pacquiao pero napakarami,” dagdag pa nito.