Misuari inendorso si Pacquiao

INENDORSO ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao.

Kinumpirma ni Pacquiao ang endorsement sa isinagawang press conference nitong Biyernes sa Bohol kung saan siya nangampanya.

“I am thankful for the all-out support that the MNLF gave me, especially to my master Nur Misuari. We share the same advocacy of pushing for federalism in the country,” pahayag ni Pacquiao.

Nag-usap umano ang dalawa nitong Lunes sa isang hotel sa Maynila at doon naselyuhan ang pagsuporta ng lider ng dating rebeldeng grupo.

Huwebes ng gabi nang ipakita ng kampo ni Pacquiao ang larawan ni Misuari habang itinataas ang kamay ng senador.