Marcos Jr. nanguna sa survey ng OCTA Research

MULING nanguna si dating Senador Bongbong Marcos Jr. sa pinakahuling resulta ng OCTA Research Presidential Preference matapos makakuha ng 57 porsiyento.

Sa isinagawang survey ng OCTA Research mula Abril 2 hanggang 6, 2022, pumangalawa naman si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 22 porsiyento.

Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno na may siyam na porsiyento habang nasa ika-apat na pwesto si Senador Manny Pacquiao na nakakuha ng pitong porsiyento habang si Senador Panfilo Lacson ay nasa ikalima matapos makakuha ng apat na porsiyento.

Tinanong sa survey ang 1,200 respondents.