Marcos Jr. bukod-tanging walang kumpirmasyon sa Comelec debate

TANGING si presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos Jr. ang hindi nagbigay ng kumpirmasyon na dadalo sa debateng inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).

Sa kanyang tweet Linggo ng gabi, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na siyam sa 10 presidential candidates ang nagkumpirma na dadalo sa debate sa Marso 19, 2022.

Gayunman, hihintayin pa rin ng Comelec ang abiso ng kampo ni Marcos kung dadalo ito o hindi.

Sa hanay naman ng vice presidential candidates, kumpirmado namang hindi na dadalo sa debate si Rep. Lito Atienza matapos itong pormal na magpadala ng liham na tumatanggi sa debate. Kamakailan lang ay sumailalim sa operasyon si Atienza.