Leni camp kinuwestyon Oplan Baklas ng Comelec

KINUWESTIYON ng kampo ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo ang Oplan Baklas ng Commission on Elections (Comelec) kung saan kinakalas ang mga tarpaulin sa mga pribadong pag-aari.

Sa isang press conference, iginiit ng tagapagsalita ni Robredo na si lawyer Barry Gutierrez at election lawyer Romulo Macalintal na ilegal ang ginagawa ng Comelec.

Hinimok pa ni Macalintal ang mga apektado ng kampanya na maghain sa Korte Suprema ng class suit laban sa Comelec.

Idinagdag ni Macalintal na ito ay malinaw na paglabag sa kalayaan sa pamamahayag na itinatakda ng Konstitusyon.