Isko ipinagtanggol si Mocha Uson

DINEPENSAHAN ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang bagong political ally na si Mocha Uson, na isa sa mga umano’y nangungunang nagpapakalat ng mga fake news.

Ayon kay Domagoso, kung mayroon man kaso na hinaharap ang kontrobersyal na blogger kaugnay sa kanyang mga umano’y disinformation networks ay hindi ito tatakasan ni Uson.

“If there was a case, then she would be able to answer it under the rule of law,” paliwanag ni Domagoso.

“But we need all the help we can get,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman siya kay Mocha sa pagsuporta nito sa kanya.

“Thank you very much if she changed her mind. That’s the same thing I want for the rest of our citizens,” dagdag ng alkalde.