Isko: Be a hero; Withdraw, Leni

PINAATRAS ni Manila Mayor Isko Moreno si Vice President Leni Robredo sa presidential race.

“Be a hero. Withdraw, Leni,” ang tahasang pahayag ni Moreno kay Robredo sa isinagawang Easter press conference sa Makati City.

Ito’y sa harap naman ng alegasyon niya, at iba pang kandidato sa pagkapangulo gaya nina Senador Panfilo Lacson, Senador Manny Pacquiao at dating National Security Adviser Norberto Gonzales na gumagawa ng hakbang ang kampo ni Robredo na sulutin ang kanilang mga tagasuporta at paatrasin sila.

“Ang bangayan at tuwing presidential election, tungkol lagi sa dalawang pamilya lamang. We are offering, I for one, if you want peace of mind, let stop ang away ng pula at dilaw. This is about you, buhay ninyo. Anim na taon. Wag nating hayaang maging teleserye ang kinabukasan ng ating mga anak,” ayon pa kay Moreno.