Iglesia ni Cristo si Bongbong, Sara ang bet

GAYA ng napapabalita, inendorso ng Iglesia ni Cristo ang tandem nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Inanunsyo ng religious group ang endorsement sa Net 25 apat na araw bago ang huling araw ng kampanya.

Kasalukuyang nasa Iloilo ang dalawang frontrunners sa pagsisimula ng serye ng kanilang miting de avance.

Matatandaan na noong 2016 presidential elections, inendorso rin ng religious group ang presidential bid ni Pangulong Duterte habang si Marcos naman ang sinuportahan nito sa pagkabise-presidente.

Sinasabing may dalawang milyong botante na miyembro ng Iglesia Ni Cristo.