Digong: Boboto ko talaga anak ko

BAGAMAT meron umano silang hindi pagkakaunawaan ng kaniyang anak, sinabi ni Pangulong Duterte na iboboto niya si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bise presidente.

“I am not supporting any candidate except, of course, my daughter. Ako, boboto talaga ako sa anak ko,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Batangas.

Nauna nang sinabi ni Duterte na wala siyang ieendorso sa pagka pangulo.

Binalikang-tanaw din ni Duterte ang pagiging Batangueño ng ina ni Sara.

“Batangueño man ‘yan, ang nanay niyan si judge, magkaharap ang bahay namin noon,” dagdag ni Duterte na ang tinutukoy ay ang nanay ni Sara na si Elizabeth Zimmerman, na tubong Batangas.