Bongbong Marcos kumpirmadong hindi sasabak sa Comelec debate

KINUMPIRMA ngayon ng kampo ni presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos Jr., na hindi ito dadalo sa debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay ayon sa pahayag na binitiwan ng abogadong si Vic Rodriguez, ang spokesman ni Marcos Jr.

Ayon kay Rodriguez, may commitment si Marcos Jr., sa kanyang mga tagasuporta na sisiputin niya ang mga ito sa nakatakdang rally sa Marso 19, ang araw rin kung kailan gagawin ang debate.

Hindi naman tinukoy ni Rodriguez kung saan ito.