1M lamang ni Marcos kay Leni sa ‘SpeakCup’

MAKAKAHABOL PA BA?

Ito ang tanong ng publiko makaraang maiulat na isang milyon na ang lamang ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Vice President Leni Robredo sa pakulo ng 7-Eleven.

Sa bilangan na ginawa ng 7-Eleven nitong nakaraang Marso 31, lumabas na 45 porsyento ng humigit-kumulang 2.2 milyon cups na nabili sa mahigit 2,000 sangay sa buong bansa ay kay Marcos Jr.

Hanggang Abril 27 na lamang mabibili ang “7-Election” cups.

Klinaro naman ng convenience store na ang poll ay “unscientific and unofficial” at katuwaan lamang.