120K dumalo sa Bongbong-Sara rally sa Tacloban

MAHIGIT sa 120,000 katao ang dumalo sa campaign rally ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte nitong Sabado sa Tacloban City, ayon sa pagtataya ng lokal na pulisya.

Ito ay sakabila pa ng matinding pag-ulan na dinanas ng syudad bunsod ng bagyong Agaton.

Nagtalumpati ang dalawa habang nasa gitna ng malakas na ulan, suot ang cap at jacket.

Kasama rin sa rally ang mga celebrities na sina Dulce, Renz Verano, at Beverly Salviejo na nag-perform sa stage habang si Toni Gonzaga naman ang umawit ng campaign song ng Uniteam na “Umagang Kay Ganda.”