Homeowner’s association president inasunto sa kasalan

SINAMPAHAN ng kaso ang presidente ng homeowner’s association sa Quezon City dahil sa pagpayag umano nito na ganapin ang reception ng kasal kamakailan.


Umabot na sa 72 ang bilang ng mga residente na tinamaan ng Covid-19 bunsod ng pagtitipon.


Ayon kay Mayor Joy Belmonte, sinabi ng mga residente na dumalo sa reception na ang mismong homeowner’s president ang nagbigay ng permiso na magsagawa ng kasalan at reception.


Kinasuhan ito ng paglabag sa Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Naglabas na rin ng show cause order ang lokal na pamahalaan kay Brgy. Matandang Balara chairman Allan Franza dahil sa pangyayari.