FDA inaprubahan booster shot makalipas ang 3 buwan OK na

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakuna kontra coronavirus disease (Covid-19) na nagpapaiksi sa pagbibigay ng booster shots sa tatlong buwan mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Hinikayat naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na magpabakuna na.

“Hinihikayat rin namin na magpa-booster ang ating mga eligible populations,” sabi ni Roque sa ulat sa Talk to the People.