Eleazar nagpositibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni dating Philippine National Police chief at senatorial aspirant Guillermo Eleazar na nagpositibo siya sa coronavirus disease.

Sa isang pahayag, sinabi ni Eleazar na natanggap niya ang resulta ng kanyang RT-PCR test Martes ng gabi.

Idinagdag ni Eleazar na siya ay asymptomatic at kasalukuyang naka-isolate.

Ito ang unang pagkakataon na tinamaan si Eleazar ng Covid-19.

Nanawagan din si Eleazar sa publiko na magpabakuna at magpa-booster ngayong maraming ang suplay sa harap naman ng banta ng virus.

Nauna nang kinumpirma ng kapartido ni Eleazar na si Senator Panfilo Lacson na positibo siya sa Covid-19.