Duterte nagpaliwanag sa 27 milyong patapon na COVID-19 vaccines

IGINIIT ni Pangulong Duterte na hindi sobra-sobra ang bakunang binili ng pamahalaan sa kabila na may 27 milyong doses ng bakuna ang malapit nang mag-expire at masayang.

“They say there’s an excess. There is no excess actually. Binili natin ‘yan (according) sa numbers,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Martes ng gabi.

Tiniyak naman niya na ginagawa na ng pamahalaan para ma-maximize ang mga nasabing bakuna na malapit nang mag-expire.

“We will try to maximize the use, utilization of the vaccines especially that ‘yung expiry date nila malapit lang,” sabi ni Duterte.

Base sa datos ng pamahalaan umabot pa lamang sa 12 milyon Pinoy ang nagpa-booster.