Villar pinakamayaman sa Pinas

NANATILING pinakamayan sa buong bansa ang business tycoon at dating politiko na si Manny Villar, ayon sa listahan na ipinalaban ng Forbes World’s Billionaires ngayong 2022.

Bukod kay Villar, 19 iba pang Pilipino ang kasama sa listahan.

Ayon sa Forbes, tinatayang nasa $8.8 bilyon o P451 bilyon mahigit ang net worth ni Villar. Mas mataas ito sa naiulat na asset ng negosyante noong nakaraang taon na $7.2 bilyon.

Nasa ika-258 pwesto sa talaan ng mga pinakamayayaman sa buong mundo si Villar, mister ni Senador Cynthia Villar at ama ng tumatakbong senador na si dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar. Dating nasa ika-352 pwesto ang bilyonaryong negosyante.

Nasa ikalawang pwestong pinakamayaman sa bansa ay ang ports magnate na si Enrique Razon Jr. na may net owrth na $6.7 bilyon at nasa 369th pwesto.

Ang co-vice chairman ng SM Investments na si Henry Sy Jr. naman ang nasa ikatlong pwesto na may $2.8 bilyong net worth, at malapit na sinusundan ng ika-apat na si Andrew Tan.