Bakunadong senior pwede nang maglamyerda–gov’t

PINAPAYAGAN nang gumala ang mga senior citizen, mula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ, na nakakumpleto na ng bakuna.


Ani presidential spokesperson Harry Roque, ginawa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang desisyon Huwebes ng gabi.


“Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols,” ani Roque.


Samantala, hindi pa rin pinapayagan ang pagbiyahe ng mga senior sa labas ng NCR Plus, maliban kung ito ay point-to-point travel.


Bago ang rekomendasyon ng IATF, pinapayagan lamang ang mga senior na lumabas ng bahay kung importante ang dahilan. -WC