NCR Plus di pa handa sa MGCQ


HINDI pa napapanahon para pairalin sa NCR Plus ang modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na lockdown status, ayon sa OCTA Research group.


Sa panayam, sinabi ni OCTA fellow Ranjit Rye na kailangan munang maghinay-hinay sa pagluluwag ng quarantine classification sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal dahil umaabot pa rin sa isang libo ang mga arawang kaso ng Covid-19 sa nasabing mga lugar
Ani Rye, kailangan munang tingnan ang mga numero hanggang weekend bago sila makapagbigay ng rekomendasyon.


“Pero kung ngayon gagawin ang desisyon ay hindi pa tayo nagka-qualify for MGCQ. That’s definite,” dagdag niya.