82 bakunadong pulis positibo sa Covid-19


NAGPOSITIBO sa Covid-19 ang 82 na fully-vaccinated na pulis sa Quezon City.


Ayon sa lokal na pamahalaan, mula sa Police District 3 sa Brgy. Talipapa, Police Community Precinct 1 sa Brgy. Unang Sigaw, at Police Community Precinct 2 sa Brgy. Bahay Toro ang mga pulis na nagpositibo sa virus.


Pawang asymptomatic naman ang mga ito, ani City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) chief Dr. Rolando Cruz.


Inaalam pa ng mga otoridad kung naka-deploy noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Lunes ang mga nagpositibong alagad ng batas. –A. Mae Rodriguez